
Nagkasa ng kilos-protesta ang grupong BAYAN Timog Katagalugan sa tapat ng Plaza Lacson sa Sta. Cruz, Manila.
Ito’y para ipanawagan panagutin ang lahat ng mga sangkot sa malawakang korapsyon sa pamahalaan.
Kasama ang iba’t ibang sektor, kanilang inilahad ang mga pahirap na naranasan dahil sa maanomalya at gawa-gawang flood control project.
Giit ng grupo, ang mga residente sa Timog Katagalugan lalo na ang nasa paligid ng Laguna de Bay ay lubos na naapektuhan tuwing tag-ulan o bagyo dahil sa palpak na proyekto.
Marami rin ang mga katulad nila ang patuloy na naghihirap sa estado ng pamumuhay habang nagpapasasa ang mga tiwaling opisyal sa pondo ng bayan.
Matapos ang kilos-protesta sa Sta. Cruz, Manila tutungo sila sa EDSA para makibahagi sa iba pang pagkilos kaugnay sa ika-40 anibersaryo ng People Power Revolution.










