Manila, Philippines – Nagtipon-tipon na ang ibat-ibang grupo kabilang ang Transport group, OFW, at iba pang grupo na sumusuporta kay Pangulong Duterte para tumulak sa Plaza Miranda upang ipahayag ang kanilang saloobin sa National Protest Day.
Ang OFW na galing pa sa Mindanao ay mahigit 200 sila pawang nakasuot ng kulay puti ang nagkaisa para suportahan ang pangulo habang ang Transport group mula Cavite ay mahigit 500 na mga tsuper ang nakiisa upang ipanawagan naman ang Moratorium sa pagbibigay ng prangkisa.
Unang kahilingan ng transport group mula Cavite ay bigyan sila ng prangkisa na pumasada sa UV express na may rutang Manila-Cavite at vice versa, dapat magkaroon ng pansamantalang moratorium sa mga UV express dahil malaki ang multa at kung minsan ginagawang gatasan di umano ng MMDA, LTFRB at HPG.
Paliwanag ng grupo makatwiran ang kanilang kahilingan dahil kulang ang PUV at di sapat para tugunan ang dumaraming populasyon sa Cavite.
Mula Lawton tutulak sila sa Plaza Miranda para ipagpatuloy ang kanilang kahilingan sa gobyerno na hindi umano natugunan noong nakaraang Administrasyon.