MANILA – Nagsagawa ng kilos protesta ang iba’t ibang grupo ng kabataan sa harapan ng Korte Suprema upang kundenahin ang pagbabasura sa mga TRO ng K -12.Ayon kay Charisse Bañez, National Chairperson ng League of Filipino Students, sa ginawang hakbang na ito ng kasalukuyang administrasyon, mas maraming mahihirap na kabataan ang mapapagkaitan ng pagkakataong makapagaral.Aniya bukod sa dadagdag ito sa pasanin ng mga magulang at magaaral, mas maraming kabataan ang hindi makakapagtapos ng sekondaryang edukasyon.Dahil ito, mas magiging mahirap ang tyansa nilang humanap ng angkop na trabaho at lalong tataas ang unemployment rate sa bansa.
Facebook Comments