Manila, Philippines – Magsasagawa ng prayer vigil ang grupo ng mga magsasaka sa harap ng Senado mamaya bilang pagpapakita ng suporta sa isasagawang confirmation hearing ni Department of Agrarian Reform (DAR) Secretary Rafael ‘Paeng’ Mariano, bukas.
Ayon kay Zenaida Soriano, mula sa AMIHAN Peasant Women Federation, si Mariano na lamang ang ‘last best chance’ ng administrasyong Duterte.
Dapat aniyang pakinggan ng Pangulo ang boses ng publiko, dahil si Mariano lamang ang nakapagpamulat sa DAR na para ito sa mga magsasaka.
Ayon kay Soriano, sakaling ibasura ng Commission on Appointment ang kumpirmasyon ni Mariano bilang kalihim ng DAR, para na rin nilang ipinagkait ang Genuine Land Reform at mga maka-magsasakang adbokasiya.
Mula aniya nang maupo ang kalihim noong Hulyo 2016 hanggang Mayo ngayong taon ay nas, higit 24 na libong ektarya na ng lupain ang naipamigay ng pamahalaan sa mga benipisyaryo, at mas marami pa aniyang maliliit na tao ang makikinabang sakaling magtuloy-tuloy ang termino nito.
Bukas, magsasagawa ng simultaneous protest ang iba’t ibang grupo ng mga magsasaka sa buong bansa, bilang pagpapakita ng suporta sa kumpirmasyon ni Agrarian Secretary Rafael Mariano.