Iba’t-ibang grupo ng mga estudyante, nagsagawa ng pagkilos sa harap ng CHED

Nagprotesta ang iba’t ibang grupo ng mga estudyante sa harap ng Commission on Higher Education para iprotesta ang nakaambang tuition fee increase.

Iginiit ng Kabataan Partylist at National Union of Student of the Philippines, dapat muna nang pagandahin ang kalidad ng edukasyon sa bansa sa halip na itaas ang matrikula at iba pang bayarin.

Hinikayat nila ang CHED na huwag payagan ang nakaambang pagtaas ng matrikula ngayong school year 2019-2020 sa mahigit 1,000 paaralan.


Hindi din daw makatarungan naisabay ang pagtataas ng matrikula sa pagsipa ng presyo ng mga bilihin.

Naghain din sila ng petisyon sa CHED para hilingin na maglabas ng memorandum upang pigilan ang pagkolekta ng mga hindi mahahalagang school fees para mabawasan naman ang gastusin ng mga estudyante.

Facebook Comments