Iba’t ibang grupo ng mga manggagawa, magmamartsa sa Mendiola sa Labor Day para muling igiit ang dagdag na sahod at disenteng trabaho

Inanunsyo ng malalaking labor groups na kasado na ang iba’t ibang protest actions sa mismong Araw ng Paggawa o Labor Day.

Ito’y upang muling igiit ang dagdag na sahod sa harap ng tumataas na presyo ng bilihin.

Gayundin ang kontraktwalisasyon at ang iba pang labor issues.


Ayon sa Philippine Trade Unions (APTU), tinatayang aabot sa 10,000 na mga manggagawa ang makikibahagi sa martsa mula España hanggang Mendiola sa May 1,2023.

Ang APTU ay kinapapalooban ng Nagkaisa! Labor Coalition, Kilusang Mayo Uno (KMU), Trade Union Congress of the Philippines (TUCP), Bukluran ng Manggagawang Pilipino (BMP).

Inanunsyo naman ng militanteng labor group na Kilusang Mayo Uno (KMU) ay nagkasa rin ng mga kilos-protesta sa mga rehiyon bansa.

Sa ngayon, naghain ng kaniya-kaniyang petisyon ang labor groups sa mga rehiyon para sa wage increase.

Ito’y kahit may nakahaing panukala sa Kamara para sa hirit na P150 hanggang P750 across the board wage increase.

Facebook Comments