Iba’t-ibang grupo ng motorcycle riders, magsasagawa ng rally bilang pagtutol sa Doble Plaka Law

Magkakasa ng malawakang protesta sa iba’t-ibang panig ng bansa ang mga motorcycle rider para ipakita ang kanilang pagtutol sa Republic Act 11235 o Doble Plaka Law.

Ayon kay Rod Cruz, National Chairman ng Arangkada Riders Alliance, isasagawa nila ang protesta sa March 24, araw ng Linggo.

Aniya, inaasahan nilang aabot sa 10,000 mga rider ang lalahok sa protesta sa Metro Manila pa lamang.


Nakapaloob sa nasabing batas ang pagpataw ng P25,000 multa sa mga hindi makakapagrehistro ng kanilang mga motorsiklo sa unang 5 araw mula nang bilhin ito.

Magmumulta naman ng P50,000 hanggang P100,000 ang mga mahuhuling walang plaka.

Facebook Comments