Manila, Philippines – Bumuo rin ng sariling organisasyon ang mga magulang bilang pantapat sa ginagawang recruitment ng mga kabataan patungo sa New People’s Army (NPA).
Inilunsad ang grupo na tatawagin ngayong League of Parents of the Philippines na binubuo ng iba’t ibang parents organizations sa mga eskwelahan.
Kasama rin dito ang ilang mga school administrators.
Nangako ang grupo na makikiisa at babalangkas ng mga programa at aktibidad upang maprotektahan ang mga kabataan sa mga front organization ng NPA sa mga campus.
Ayon sa grupo, ilalantad nila ang mukha ng mga grupo na ito na sinasakyan ang isyu ng tuition fee increase, campus freedom at iba pang isyu upang magtanim ng galit sa mga kabataan laban at mawalan ng pagtitiwala sa gobyerno.
Kabilang sa tinukoy ng grupo na organisasyon ay ang Kabataan party-list, Anakbayan, National Union of Students in the Philippines o NUSP at College Editors Guild of the Philippines o CEGP.