Patuloy na umaapela ang iba’t ibang grupo ng transportasyon na itaas na ang pasahe sa jeep.
Kabilang sa mga grupong ito ang Liga ng Transportasyon at Operator sa Pilipinas (LTOP), PISTON, Stop and Go Transport Coalition, at Tricycle Operators and Drivers Association (TODA).
Ayon sa mga naturang grupo, dapat aprubahan na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang P15 dagdag-pasahe para sa mga jeepney at bigyan na din ng dagdag-pasahe ang mga UV Express.
Bukod dito ay umapela rin ang mga ito sa mga Local Government Unit na aksyunan na ang dagdag na pasahe para sa tricycle drivers.
Anila, hindi sapat ang P6,500 na subsidiya at kakaunti lang din ang mga nakikinabang na driver dahil sa patuloy na pagtaas ng produktong petrolyo.
Samantala, kinokondena naman ng grupo ang P200 ayuda kada buwan para sa mahihirap na pamilya at tinawag itong insulto dahil masyado itong maliit.