Thursday, January 15, 2026

Iba’t ibang grupo, pinabulaanan ang paninisi kay PBBM kaugnay sa anomalya sa flood control project

Mariing pinabulaanan ng iba’t ibang grupo ang paninisi kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa anomalya sa flood control project matapos na paratangan ang pangulo na siya ang dapat sisihin sa kontrobersiya pagdating sa budget.

Ayon kay Chairman Emeritus Dr. Jose Antonio Goitia, ang Kamara ang dapat managot sa usaping budget dahil sila ang gumagawa, nagdedebate at pumapasa kabilang dito ang mga insertions.

Dagdag pa niya, ang veto ay panangga laban sa mali at hindi espada para patayin ang buong budget.

Dahil ayon sa kaniya, kapag i-veto ang bilyun-bilyong proyekto nang walang sapat na basehan ay maituturing iyon na pang-aabuso at magiging paralisado ang bansa.

Samantala, dinepensahan din ni Goitia ang pagbuo ng pangulo ng Independent Commission for Infrastructure kung saan sinabi nito na hindi ito panakip butas bagkus ay hustisya na naglalayong maimbestigahan at maglatag ng ebidensyang tatayo sa korte.

Facebook Comments