IBA’T IBANG HEALTH SERVICES, IPINAABOT SA LUNGSOD NG TUGUEGARAO

CAUAYAN CITY – Matagumpay ang isinagawang PuroKalusugan Strategy: Cervical and Breast Cancer Caravan na ginanap sa Cagayan Coliseum, Tuguegarao City.

Binigyang-diin ni Regional Director Amelita Pangilinan ang kahalagahan ng self-care maging ang pag-tuklas sa mga sakit upang maging maayos ang kalusugan.

Iba’t ibang serbisyo ang ipinaabot sa mga benepisyaryo katulad ng blood pressure checks, diabetes testing, cervical cancer screenings, flu vaccinations, HIV testing, at medical consultations.


Pinangunahan ng Cagayan Valley Center for Health Development (CVCHD) ang aktibidad sa pamamagitan ng Health Promotion Unit and Non-Communicable Disease Cluster.

Katuwang din ng ahensya ang Provincial Health Office ng Cagayan, City Health Office ng Tuguegarao, at iba pang partner agencies.

Facebook Comments