Iba’t-ibang human rights group, magtitipon-tipon ngayong araw

Magtitipon-tipon ngayong araw ang mga biktima ng human rights groups para gunitain ang ika-47 taong anibersaryo ng deklarasyon ng martial law ni dating Pangulong Ferdinan Marcos.

Ayon sa rights advocacy group Karapatan – ang mga survivor at miyembro ng Campaign Against the Return of the Marcoses and Martial Law o CARMMA ay magsasagawa ng commemorative gathering sa bahay ni Maria Chapel of the Christ The King Mission Seminary sa Quezon City mamayang alas-10:00 ng umaga.

Dadalhin ng mga survivor ang kanilang memorabilia mula sa martial law regine at ibabahagi ang kanilang kwento tungkol sa kanilang mapait na karanasan.


Magkakaroon din ng short play na directed ng film maker at playwright na si Bonifacio Ilagan.

Ang moro at indigenous people’s alliance Sandugo ay nangakong patuloy na ipaglalaban ang kanilang ancestral domain at kokontrahin ang panggigipit at pangha-harass ng pwersa ng estado.

Nagpaalala naman ni Catholic Bishop Arturo Bastes ng Sorsogon at retired Bishop Teodoro Bacan Jr. sa mga Pilipino lalo na sa mga kabataan na huwang kalimutan ang madilim na bahagi ng rehimeng Marcos.

Kahapon, aabot sa 300 militanteng grupo na pinangunahan ng bagong alyansang makabayan ang nag-martsa mula Welcome Rotonda hanggang Mendiola.

Ang student councils naman ng University of the Philippines (UP) at Mapua ay nag-isyu ng resolusyon na nagdedeklarang persona non grata sa kanilang campuses ang pamilya Marcos.

Facebook Comments