Iniutos ngayon ni QC Mayor Joy Belmonte sa mga Building Official na suriin ang lahat ng mga istraktura sa Quezon City lalo na ang mga gusali na pagmamay-ari ng QC government.
Sa panayam ng media sa isinagawang shake drill ng Metro Manila Development Authority, sinabi ni Belmonte na ang QC hall ay kasalukuyang isinasailalim sa retrofit at pinasusuri na rin ang iba pang istraktura para makita ang istabilidad ng mga gusali sa QC.
Bukod sa drill sa UP-Ayala Land Technohub ay sabay ring nagsagawa ng kanilang shake drill ang mga barangay at mga commercial establishments sa kani-kanilang mga lugar sa buong QC.
Nanguna ang QC DRRMO sa pagsasagawa ng iba’t ibang mga scenarios sa naturang drill tulad ng mass evacuation, camp management, clearing operations at looting incidents sa UP-Ayala Land Technohub.
Sinabi rin ni Marasigan na siya ay nagpapasalamat na naging supportive naman ang mga tauhan sa mga establisimiento at mga opisina sa Technohub na nakiisa sa kanila para maging matagumpay ang drill sa lugar.
Sinabi naman ni Lim na patuloy naman ang ugnayan ng tanggapan at QC government para sa iba’t ibang mga programa para sa kapakanan ng mamamayan ng lunsod partikular ng pagsasagawa ng drill dahil ang lindol ay maaaring tumama sa kahit saang lugar anumang oras.