IBA’T IBANG KAPISTAHAN SA LAUNION, MAGPAPASIKLABAN SA STREET DANCING COMPETITION

Gaganapin sa Pebrero 21 ang Battle of La Union Festivals: Street Dancing Competition, kung saan magpapasiklab ang iba’t ibang grupo mula sa iba’t ibang bayan at lungsod sa lalawigan.

Itinatampok ng kompetisyon ang pagkakaisa ng mga bayan at lungsod sa lalawigan at ang pagpapakita ng kani-kanilang kultura sa makulay na pagtatanghal.

Inaasahan ang masiglang selebrasyon na magbibigay ng kasiyahan sa mga manonood at magpapakita ng talento at galing ng mga street dancers sa lalawigan.

Samantala, nag-abiso naman ang pamahalaang panlalawigan sa publiko na asahan ang pansamantalang pagsasara ng ilang pangunahing daanan sa lungsod ng San Fernando at dumaan sa mga alternatibong ruta habang isinasagawa ang kompetisyon.

Facebook Comments