Iba’t ibang kasunduan sa pagitan ng Pilipinas at Japan, naselyuhan

Inilatag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang mga nalagdaang kasunduan at kooperasyon sa pagitan ng Pilipinas at Japan.

Sa joint press statement ng pangulo at Prime Minister Fumio Kishida, sinabi ng pangulo na kabilang sa mga nalagdaang kasunduan ay ang pagbili ng mga heavy equipment para sa road network improvement at disaster quick response sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Nagkakahalaga aniya ito ng 957 milyong yen o katumbas ng anim na milyong dolyar na magbibigay solusyon sa mga pagbaha na dala ng climate change sa BARMM.


Magkakaroon din kooperasyon sa pagmimina upang mapaunlad ang metal at resources sector, habang may kooperasyon ding nalagdaan upang palakasin ang disenyo at itaguyod ang turismo sa Pilipinas.

Napagusapan ng pangulo at Prime Minister Kishida, ang malawak na aspeto ng politika, security and defense, kalakalan at pamumuhunan at people-to-people exchange.

Malinaw na patunay aniya ito ng masigla at matatag na bilateral relations ng Pilipinas at Japan o sa nakalipas na 67 taon.

Facebook Comments