IBA’T IBANG KLASE NG KUMARE

Idol, may kakilala ka bang ganitong kalse ng kumare ?
1. ULTIMATE KUMARE- ito yong klase ng kumare na talagang masasandalan, maaasahan at mauutangan mo sa panahon ng pangangailangan.
2. KNOW IT ALL – ito yong klase ng kumare na lahat ng ikwento mo sakanya, naranasan niya na din daw. Naranasan niya lahat, alam niya lahat. Edi siya na!
3. BANAL- ito yong klase ng kumare na kapag nilapitan mo dahil stress ka na sa buhay ay ilalapit ka niya sa panginoon. Ipaalala sayo na magsimba, yayayain kang magdasal.
4. SOURCE- ito yong klase ng kumare na lahat ng chika, alam! Bigla nalang susulpot sa bahay niyo o makikipag video call sayo dahil may nasagap na namang balita sa lugar ninyo. Ang dami niyang time.
5. PALAGING GALIT- ito yong klase ng kumare na mapupurga ka sa mura kapag kinausap mo. Lahat ng galit at gigil niya ilalabas niya sa usapan niyo pero ang pinaka totoong dahilan ng galit niya- wala siyang pera. Binggo!
6. TELL ALL- ito yong klase ng kumare na ipinagmamalaki lahat ng meron siya, asawa niya, anak niya at mga bagong gamit nila sa bahay. Presyo ng bill sa kuryente at tubig. Paraan ng pagba-budget niya. As in lahat sasabihin niya para mainggit ka sakanya.
Follow:
FB: iFM Manila: www.facebook.com/pg/93.9ifmmanila Julia Bareta: www.facebook.com/JuliaBareta939/ Dhong HIlario: www.facebook.com/DhongHilario939/
Twitter: https://twitter.com/ifmmanila
Instagram: instagram.com/ifmmanila

Facebook Comments