Iba’t Ibang Klase ng Tsaa at ang kanilang Health Benefits

Ikaw ba ay mahilig uminom ng tea? Alam mo ba na maraming uri ng tea na maaari mong subukan ?Marami sa atin ang mahilig uminom ng tea dahil bukod sa masarap ito ay marami pang magagandang naidudulot ang pag-inom nito sa ating kalusugan. Narito ang ilang halimbawa ng mga ito.

 

BLACK TEA

IMAGE FROM: MEDICAL NEWS TODAY

Maaari mong subukan ang black tea kung hanap mo ay organic at makatutulong rin ito upang marefresh ang iyong katawan at mabisang panlaban rin ito laman sa mga sakit.

 

GREEN TEA

IMAGE FROM: MEDIUM

Ang green tea ay isang uri ng tsaa na makakatulong upang labanan ang pagkakaroon ng kanser meron din itong antioxidants callused polyphenols na makakatulong sa paglaban sa pagkasira ng ating cells.

 

ROSESHIP TEA

IMAGE FROM: LIVESTRONG.COM

Alam mo ba na ang bulaklak ay maaring gawing tsaa? Isa ang rosehip na gawa sa bulaklak na rosas. Mayroon itong vitamin C at nakatutulong sa pagpapalakas ng immune system. Maganda rin ang epekto nito sa ating balat.

 

HIBISCUS TEA

IMAGE FROM: MEDICAL NEWS TODAY

Kung ikaw naman ay high blood , ang tsaang ito ang bagay para sa iyo dahil nakatutulong ito para bumaba ang iyong mataas na presyon ng dugo. Mapagkukunan din ng antioxidants na maganda sa kalusugan.

 

PEPPERMINT TEA

IMAGE FROM: ORGANIC AUTHORITY

Kung ikaw naman ay nakararanas ng sama ng tyan at pagduduwal ay mabisang panlunas ditto ang peppermint tea.

 

LAVENDER TEA

IMAGE FROM: HEALTHLINE

Ang lavender tea naman ay mula sa bulaklak ng lavender, kung nais mong mapayapa ang iyong katawan at pag-iisip mula sa maghapong pagtatrabaho ay swak para sayo ang lavender tea.

 

MILK THISTLE TEA

IMAGE FROM: ORGANIC FACTS

Ang tsaang ito naman ay makatutulong sa iyong atay, tumutulon ito upang maalis ang toxins sa atay.


Article written by Merlyn Cañete

 

Facebook Comments