Tayong mga pinoy isa rin tayo sa mga bansa na naniniwalang “Breakfast is the Important meal of the Day”. Nakatutulong ito sa iyong kalusugan upang hindi bumagal ang Metabolism mo. Nakapagbibigay din ito sa’yo ng lakas at energy na kailangan mo upang makapagfocus ka sa work o sa school. At tayong mga Pinoy ay mahilig mag-imbento ng kung anu-anong agahan or recipe para naman hindi mag-sawa ang mga kasama natin sa bahay.
Narito ang Iba’t-ibang uri ng mga Almusal na nakagawiang gawin ng mga Pinoy:
Sinangag at Kape o Gatas
Ito ang una sa ating listahan. Dahil alam naman natin na sa kahit anong almusal masarap i-pares ang kape o gatas. Lalo na sa sinangag kahit walang ulam basta tama ang pagkakaluto sa sinangag. Ang sinangag ay binubuo ng Mantika, bawang, at Bahaw o malamig na kanin. Sa bawat agahan natin hindi dapat mawawala ang kanin, nasa sa atin na lamang kung anong ihahalo natin sa kanin upang sumarap pa ito.
TuyoSiLog at Kape
Ito ang agahan na binubuo ng tuyo (dried fish), sinangag (fried rice) at sunny-side up egg at syempre kape. Ang tuyo ang pinakapaborito nating mga pinoy bukod sa mura na napakasarap pa, problema nga lang ay hindi kanais-nais ang amoy habang ito ay niluluto. Alam naman nating lahat na ang itlog ay may protina (protein) na kailangan ng ating katawan dahil ang iba’t-ibang parte ng ating katawan ay gawa sa protein gaya ng buhok at kuko. Ginagamit din ng ating katawan ang Protein to build and repair tissues.
Champorado at Tuyo
Champorado na gawa sa Dark Chocolate at malagkit na bigas at asukal na pula. Maraming mga matatanda na pinakamasarap isama sa champorado ang tuyo kasi binabalanse nito ang tamis at alat ng tuyo. Pero may mangilan-ilan na nagsasabing mas sasarap ang Champorado kung lalagyan natin ito ng Evaporated milk para mas mabalanse ang pait ng Dark Chocolate sa Champorado.
Omelette Rice
ang mga sangkap para sa masarap at masustansyang almusal na ito ay Butter, diced onion, pork tocino, tomatoes, large eggs, rice. Nakatutulong ang Butter sa pagkian dahil mas masustansya ito kesa sa Mantika. Mayroon din kasin g Protein ang Butter na higit na kinakailangan ng ating katawan. Ang pork tocino naman ay nakakatulong sa pampalasa ng Omelette Rice. Kaso sa mahal ng mga bilihin ngayon bibihira nalang ang gumagawa ng Omelette rice. Kapag talagang nakakaluwag-luwag sa budget doon lang nakakayanan.
Itlog na maalat with Kamatis and Onion
Kung gusto mo naman ng talagang abot-kayang pang-agahan ito ang subukan mo. Pero mas masarap ito kung sasamahan mo ng sinangag at kape. Alam naman nating lahat na ang kamatis ay may antioxidant lycopene na nakatutulong mabawasan ang heart disease & cancer. Mayroon din itong Vitamin C, potassium, folate and Vitamin K.
Sinangag at Itlog
We all know na maraming ulam or pagkain ang pwedeng i-pares sa sinangag at itlog. Gaya ng ChixSiLog (Chicken, sinangag, Itlog), HotSiLog (Hotdog, sinangag, Itlog), LongSiLog (Longganisa, sinangag, Itlog), SalamiSiLog (Salami, sinangag, Itlog), DaingSiLog (Daing na bangus, sinangag, Itlog), at marami pang iba. Nasa sa atin na lamang kung paano natin ito pasasarapin at pagagandahin.
Article written by James Christian De Jesus