IBA’T-IBANG KRIMEN SA MGA KABATAAN, BUMABA SA NAKALIPAS NA MGA TAON

Bumaba sa nakalipas na ilang taon ang mga kaso ng krimen at pang-aabuso sa mga kabataan.
Sa tala na inilabas ng Pangasinan Police Provincial Office, mula 2018 hanggang sa kasalukuyang taon, ay bumaba ang nasabing mga kaso kung saan ay nakapagtala ng 319 noong 2018, 346 sa taong 2019, 248 noong 2020, at 246 naman noong 2021.
Ayon pa sa mga PNP, ngayong taon ay may 178 na kaso ang naitala na kinabibilangan ng rape, homicide, murder at iba pa.

Ang rape o panggagahasa naman ang nangungunang naitatalang kaso ngayong taon. May naitalang 165 na kaso ng panggagahasa sa mga batang kababaihan.
Inaasahan naman ang patuloy na pagtutok ng mga kasong ito ng mga concerned agencies kaugnay dito. |ifmnews
Facebook Comments