Iba’t ibang local food and delicacies, ibinida sa isinagawang Flavors of NCR sa Muntinlupa City

Isinagawa sa lungsod ng Muntinlupa ang pagtatampok sa iba’t ibang pagkain sa Metro Manila para sa isinagawang flavors of National Capital Region (NCR).

Kung saan matitikman ang samu’t saring ipinagmamalaking mga local food and delicacy sa Pilipinas.

This slideshow requires JavaScript.


 

Ayon sa Muntinlupa Local Government Unit (LGU), layon ng naturang seremonya na maipagmalaki sa ating mga kababayan ang galing nating mga Pinoy sa pagiisip sa iba’t ibang uri ng pagkain sa bansa.

Nakiisa sa naturang programa ang Association of Tourism Officers – National Capital Region na si Manila City Tourism Chief Mr. Charlie Dungo at City Mayor Ruffy Biazon kasama pa sina Taguig City Mayor Lani Cayetano, Pasay City Chief of Staff Peter Eric Pardo at Department of Tourism – NCR Regional Director Sharlene Zabala-Batin.

Kung maalala ito na ang pangatlong taon kung saan isinagawa ang Flavors of NCR sa bansa.

Facebook Comments