Iba’t ibang mga bus terminal sa Cubao, Quezon City, dagsa pa rin ngayong bisperas ng pagpapatupad ng ‘community quarantine’ sa Metro Manila

Dumagsa ang mga pasahero sa iba’t ibang terminal ng bus sa Quezon City isang araw bago ang pagpapatupad ng ‘community quarantine’ sa Metro Manila.

Mahaba ang pila ng mga pasahero na pauwi ng Quezon, Batangas at Laguna sa terminal ng Jac at Jam Liner.

Hinahabol ng mga pasahero ang oras ng pagdating nila sa Batangas port para makapasok sa Mindoro provinces bago magkabisa ang lockdown.


Ganito rin ang sitwasyon sa Araneta Bus Terminal sa Cubao.

Dagsa ang mga pasahero na biyaheng Bicol at Visayas.

Karamihan sa mga pasahero ay gustong lumabas na ng Metro Manila dahil may alinlangan sila sa magiging sitwasyon sakaling  ipatupad na ang ‘community quarantine’ sa Metro Manila.

Karamihan sa mga pasahero ay mga misis, anak, nakatatanda at

Kaanak ng mga lalaki na nagtatrabaho sa Metro Manila.

Lahat ng mga pasahero ay dumaraan muna sa thermal scanning sa Araneta bus terminal.

Facebook Comments