Iba’t ibang mga produkto, ibinida sa Virtual Tindahang Rizalenyo

Ipinagmalaki ng Department of Trade and Industry Rizal Provincial Office sa pakikipagtulungan ng Rizal’s Samahan ng mga Rizaleño sa Sector ng Agrikultura at Pagkain o SARAP ang mga magagandang produkto mula sa mahigit 30 mga Micro, Small and Medium Enterprises (MSMEs) sa probinsiya ng Rizal.

Layon ng naturang proyekto na suportahan at palaganapin ngayong may pandemya ang tinawag nilang “INSPIRE” o Integrated Nurturing Services to Promote and Improve Rizaleños E-Commerce.

Ayon kay DTI Rizal Provincial Director Mercedes Parreno, sinusuportahan ng DTI ang end-to-end online marketing platform para sa mga maliliit na negosyante na mapalawak, gumanda at lumago ang kanilang mga negosyo.


Hinihikayat din silang maabot ang mga bagong merkado sa pamamagitan ng digital marketplace.

Facebook Comments