Iba’t-ibang modus sa anti-drug operations, isiniwalat

Ibinunyag ni Philipine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang iba-ibang modus operandi ng mga tiwali sa anti-drug operations.

Ayon kay PDEA Director General Aaron Aquino – may kanya-kanyang bansag ang mga modus.

Ang ‘ninja liit’ o pinagkakaperahan ang mga maliliit na huli sa droga; ‘ninja laki’ kung malalaki naman ang kubra, habang mayroon ding tinatawag na ‘bangketa.’


Mayroon ding tinatawag na ‘volt in,’ o nagu-grupo-grupo para biharin ang mga malakihang drug operations.

Ang ‘rewind o reconnect modus,’ o huhulihin ang isang suspek para muling pagkakitaan.

Tinatawag namang ‘section 11 modus’ ang pagbaba sa sentensya ng suspek depende sa ibabayad, kung saan bigtime ang nasasangkot dito dahil drug lord, pulitiko o mismong pulis o operatiba ang fixer.

Ginagawa rin ang modus na ‘airlift,’ kung saan dudukutin ang isang tao galing sa ibang lugar at ipapalabas na naaresto ito sa nasasakupang lugar para masampahan ito ng kaso.

Talamak naman sa loob ng Bilibid ang ‘buntot dalaw’ kung saan kukunin ang droga sa isang courier sabay hihingan ng pera para makalaya.

Sikat din ang ‘agaw bato,’ kung saan ang droga ay pwedeng galing sa isang drug operation o nakaw na droga mula sa courier.

Mayroon ding ‘escort drug lord’ kung saan nagsisilbing escort ang mga enforcer sa mga courier ng drug lord para matiyak na walang bulilyaso ang transaksyon.

Ang ‘abang courier’ at ‘sales-bust’ ay ang pagbebenta ng nire-recycle na ilegal na droga.

Facebook Comments