Iba’t ibang pagkaing Pinoy, iniaalok ng MYLO Kitchenette

Walang oras para magluto kapag may celebration? subukang umorder sa mylo kitchenette na nag-aalok ng iba’t ibang pagkaing pinoy para sa catering.

Sa interview ng Business as Usual, ibinahagi ni Sherlo Royo na nagsimula sila noong nakaraang taon nang mawalan sila ng trabaho kung kaya’t naisipan nilang magtayo ng online delivery business.

Ayon kay Royo, katuwang niya rito ang kasintahang si Mylene Teves kaya naman daw naging MYLO ang pangalan ng kanilang negosyo.


Samantala, kabilang sa iniaalok ng MYLO Kitchenette ang Pancit, Dinakdakan, Sinigang at ang specialty nila na Kare-Kare na panalong panalo sa customers.

Sa ngayon, kahit ilang buwan pa bago ang mga event ay nagpapa-reserve na agad ang ilan nilang customers sa Facebook.

Facebook Comments