Tuesday, February 17, 2026

Iba’t ibang pakulo, isinasagawa sa Binondo, Maynila ngayong Chinese New Year

Patuloy ang pagdagsa ng publiko sa bahagi ng Ongpin Street sa Binondo, Maynila kasabay ng pagdiriwang ng Chinese New Year.

Iba’t ibang pakulo ang isinasagawa sa Ongpin na kinagigiliwan ng mga namamasyal at nakikibahagi sa nasabing pagdiriwang.

May ilang mga cosplayer ang naka-stand by dito para makapagpa-picture ang publiko.

Kaliwa’t kanang ati-atihan din ang makikita sa Ongpin kung saan inaabangan naman ng publiko ang parada mamayang hapon na sasabayan ng lion at dragon dance.

Mas lalong dumami ang mga nagbebenta dito ng iba’t ibang produkto bukod sa mga pampaswerte.

Kaugnay nito, pinapayuhan ng Manila Police District (MPD) ang mga makikibahagi sa pagdiriwang ng Chinese New Year na bigyang prayoridad ang sarili nilang seguridad.

Sa gitna na rin ito ng inaasahang pagdagsa ng mga makikibahagi sa mga kasiyahan sa Binondo.

Payo ng MPD, iwasan na sana ang pagsusuot ng mga alahas o pagdala ng mamahaling mga gadget kung makikihalubilo sa maraming tao.

Tiniyak naman ng MPD na nakakalat sa iba’t ibang lugar sa Maynila lalo na sa Binondo at Sta. Cruz ang mga tauhan nila na nagpapatrolya para agad tumugon sa anumang insidente.

Facebook Comments