Kinumpirma ni Pangulong Bongbong Marcos na nakikipag-usap na siya sa iba pang lider ng iba’t-ibang partido pulitikal para makipag-alyansa sa 2025 Elections.
Bagama’t aminado ang Pangulo na mahirap makumbinsi ang mga lider sa local levels dahil may kani kaniyang local party ang mga ito, ay kumpiyansa siyang mahihikayat niya ang mga ito na maging kaalyado.
Ayon kay Pangulong Marcos, maganda ang kanilang adbokasiya tungo sa pag unlad at ikabubuti ng bansa, partikular sa pagpapaunlad ng ekonomiya, pagbabantay sa pang araw araw na buhay ng mga Pilipino, at pakikipaglaban sa karapatan ng bansa sa international scene.
Samantala, inihayag naman ni PFP President at South Cotabato Gov. Reynaldo Tamayo na hindi kasama sa kinakausap ng partido ang Hugpong Nang Pagbabago na partido ni Vice President Sara Duterte.
Nagkaroon na aniya ng alyansa ang HNP at PFP noong 2022 at pagkatapos ng eleksyon ay natapos na rin ang alyansa nito.
Bukas pa rin naman daw ang Partido Federal sa pakikipag-alyansa sa Hugpong Nang Pagbabago at maging sa iba pang mga political parties.