Tiniyak ng tanggapan ni 4TH District Representative Congressman De Venecia ang patuloy na paghahatid ng mga programa at proyektong tutulong sa mga Pangasinenseng kabilang sa ikaapat na distrito ng Pangasinan o mga residente mula sa mga bayan ng Mangaldan, San Fabian, Manaoag, San Jacinto at lungsod ng Dagupan.
Alinsunod ditto ang patuloy na pag-arangkada ng libreng serbisyong medikal at dental na umiikot sa iba’t-ibang barangay sa mga nabanggit na bayan at aarangkada ito sa darating na July 20 at 21, sa mga bayan ng Manaoag at San Fabian particular sa mga Brgy. Matulong, Brgy. Parian, Brgy. Inmalog Norte at Brgy. Inmalog Sur.
Nagpapatuloy din ang pakikipag-ugnayan ng tanggapan sa iba’t-ibang national agencies tulad ng Department of Labor and Employment o DOLE at Department of Social Welfare and Development o DSWD para sa mga programang Tulong sa mga Displaced/Disadvantaged Workers o TUPAD, Assistance to Individuals in Crisis Situation o AICS, Government Internship Program o GIP at iba pa.
Nariyan din ang pagtaguyod ng malikhaing industriya o Creative Industry para sa mga Pangasinenseng may potensyal na umunlad sa larangan ng Sining, gayundin ang pagsuporta sa local MSMEs o mga Pangasinenseng may mga maliliit na negosyo.
Samantala, bukas naman umano ang opisina ni Cong. De Venecia mula Lunes hanggang Huwebes sa oras na alas otso ng umaga hanggang alas tres trenta ng hapon para sa anumang hinaing mula sa mga nasasakupan nito. |ifmnews
Facebook Comments