Nagmartsa ang iba’t ibang progresibong grupo sa University of the Philippines (UP) Diliman upang magbigay-pugay kay Communist Party of the Philippines (CPP) Founding Chairman Jose Maria “Ka Joma” Sison.
Kabilang sa mga sumama sa martsa ay mga estudyante at cultural groups.
Sumama rin ang grupong Bagong Alyansang Makabayan o BAYAN, Gabriela at Kilusang Mayo Uno.
Bitbit ng mga ito ang mga pulang rosas at banner na may nakasulat na Joma Lives.
Karamihan sa mga ito ay nakasuot ng pulang damit.
Unang nagtipon-tipon ang grupo sa Quezon Hall bago inikot ang buong campus.
Si Sison ay pumanaw noong Sabado sa edad na 83 sa The Netherlands.
Facebook Comments