Nakitaan na rin ng pagtaas ng kaso ng COVID-19 ang iba’t ibang rehiyon sa bansa.
Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni Prof. Guido David ng OCTA Research Team na kabilang sa mga lugar na may naitatalang pagtaas ng kaso ay sa Pangasinan at La Union sa Region 1, Region 2, Benguet sa Cordillera Administrative Region, Bicol Region, iba pang parte ng Central Luzon, Tacloban sa Eastern Visayas, Cebu sa Central Visayas, Western Visayas, Davao del Sur at Zamboanga City sa Mindanao.
Dahil dito, sinabi ni David na bagama’t may pagbaba ng trend sa National Capital Region (NCR), posibleng abutin pa ng hanggang katapusan ng Enero ang peak ng kaso ng COVID-19.
Makakaapekto kasi aniya ang pagtaas ng kaso sa ibang rehiyon sa tinitingnang peak ng mga kaso para sa buong bansa.
Samantala, malapit naman nang maabot ang peak ng mga kaso sa National Capital Region, Cavite, Rizal at Bulacan.