Iba’t-ibang samahan ng militante, nagkilos protesta malapit sa konsulada ng China

Nagsagawa ng kilos protesta ang iba’t-ibang militanteng grupo malapit sa konsulada ng China sa gil. Puyat avenue sa Makati City kasabay ika-121 taon ng Araw ng Kalayaan.

 

Ito’y upang ipanawagan na itigil na ng bansang China ang panghihimasok at pambu-bully sa mga Pilipino partikular sa mga nasasakupang lugar ng Pilipinas tulad ng West Philippine Sea.

 

Itinuturing din ng mga militante na hindi pa ganap na malaya ang Pilipinas dahil sa pagdidikta at panghi-himasok ng mga bansang tulad ng Amerika at China.


 

Iginiit din ni Neri Colmenares ng Bayan-Muna na kinakailangan pang palawakin ang pagkilod anumang araw para marinig ang hinaing ng bawat pilipino.

 

Nabatid na naunang nasagawa ng protesta ang mga nasabing grupo ng militante sa Maynila kung saan pupunta sana sila sa Embahada ng Amerika pero naharang sila ng mga pulis.

Facebook Comments