Manila, Philippines – Sinabayan ng ibat-ibang protest actions ang Transport strike na ikinasa ngayong araw ng transport coalition na PISTON.
Sa Monumento, Calookan, nagladlad ng malaking streamer ang grupo ng mga estudyante, propesyonal at mga manggagawa na nanawagan na ibasura ang jeepney modernization program ng gobyerno.
Maliban sa Monumento, may kilos protesta sa Cubao, Welcome Rotonda, Alabang at Commonwealth
Ayon sa mga grupo, mga mahihirap ang tatamaan ng jeepney phase out.
Ipapasakamay sa tinawag nilang corporate takeover ang pinaka murang mass transport system para sa mga mahihirap.
Facebook Comments