Ibat ibang sektor nagkakaisa ngayon na maisulong at maipaaa ang BBL

Nagkakaisa ngayon ang maraming sektor kabilang ang mga mambabatas mula sa mababang kapulungan na maisulong at maipasa kaagad ang Bangsamoro Basic Law o BBL. Ito naman ang sinabi ni Maguindanao 2nd District Rep. Datu Sajid Mangudadatu na kabilang sa dumalo sa isinagawang Public hearing at konsultayion ng proposed BBL na isinagawa sa bayan ng Buluan Maguindanao kahapon . Panahon na para maging maayos at maunlad ang pamumuhay ng mga taga Mindanao. Ayon pa kay Mangudadatu kung meron mang nangyayaring digmaan ay apektado ang ekonomiya hindi lamang ng taga Mindanao kundi ng buong bansa.(Amer Sinsuat)

Facebook Comments