Iba’t ibang sektor ng lipunan, nagsagawa ng kilos-protesta para tutulan ang ginawang pagtambak ng lupa sa karagatan ng Malabon City

Nagtipon-tipon ang iba’t ibang sektor ng lipunan upang mariing tutulan ang ginagawang pagtambak ng mga buhangin at lupa sa karagatang sakop ng Malabon.

Ayon kay Job Valenzuela, Chairman ng PWERSA o People’s Welfare and Reforms for Social Advancement, umapela sa Local Government Unit ng Malabon na tulungan silang huwag pahintulutan na sirain ang likas yaman ng bansa.

Paliwanag ni Valenzuela, nagkaisa ang lahat ng sektor ng lipunan gaya ng sektor ng mag-aaral, senior citizens, kabataan, kababaihan, transportasyon at iba pang mga grupo para tutulan ang ginagawang pagtambak ng lupa sa karagatang nasasakupan ng Malabon kung saan 21 mga barangay ang lubhang maaapektuhan at posibleng lumubog kapag nagpapatuloy ang naturang gawain.


Wala anilang saysay ang mga ginagawang pagpapaganda kung sisirain ang kalikasan at malulubog na ang 21 mga barangay ng Malabon.

Kinabukasan ng mga kabataan ang kanilang isinaalang-alang kung saan posibleng wala ng masisilayan umanong ganda ng kalikasan ang mga susunod na henerasyon.

Facebook Comments