IBAT IBANG SERBISYO PUBLIKO, INIHATID SA MGA RESIDENTE NG ALAMINOS

Nahatiran ng ibat ibang humanitarian services ang mga residente ng lungsod ng Alaminos partikular sa Barangay Amangbangan kung saan mula ito sa inisyatibo ng grupong Rotary Club of Manila San Miguel at Antipolo City Dental Chapter.
Nanguna ang mga naturang asosasyon sa paghahatid ng mga serbisyo para sa mga residente sa lungsod.
Ilan sa mga inihatid na serbisyo ay Medical-Dental Mission, Mother-Child Feeding Program, Medical Equipment and Chairs Donation para sa Brgy. Health Center, Story Reading, at Donation of Sports Equipment and School Supplies.

Nagpapasalamat naman ang alkalde sa mga serbisyong inihatid ng mga asosasyon para sa mga nasasakupan nito.
Samantala, nagsagawa rin ng iba pang aktibidad sa araw ng paghahatid ng serbisyong ito ang iba’t ibang sektor at line agencies kung saan nagtanim sila ng mga punong kahoy sa mga gilid ng kalsada, tabing ilog, at mga bakanteng lote sa nasabing Barangay. |ifmnews
Facebook Comments