Nakatakdang ipaskil ng lokal na pamahalaan ng Burgos ang iba’t ibang signages na may nilalamang mga paalala at ordinansa sa mga pampublikong lugar sa bayan.
Ilan lamang sa mga paalala at ordinansa sa bayan na ipapaskil sa mga estratehikong lugar ng munisipyo ay ang Bawal Manigarilyo sa pampublikong lugar ilalim ng Municipal Ordinance No. 012-2005, Bawal ang non-biodegradable plastic bags at styrofoam sa ilalim naman ng Ordinansa Bilang 006-2008, Bawal Magkalat dito, magtapon sa tamang basurahan na alinsunod sa Ordinansa Bilang 007-2005 at iba pa.
Layunin ng pagpapaskil sa mga paalala at ordinansang ito ay upang magkaroon ng malakas at matibay na pagpapalaganap ng kamalayan ukol dito upang ang mga mamamayan ay magkaroon ng ideya kung ano ang mga umiiral na batas sa bayan.
Hinikayat ng LGU Burgos ang mga nasasakupan nito na basahin ang mga paalala at ordinansang ito na ipapaskil sa mga lugar ng bayan upang magkaroon ang mga ito ng kaalaman at ito ay pa rin sa kapakanan ng bawat residente ng bayan.
Samantala, bawat ordinansa ay may karampatang parusa na ipapataw sa mga taong lalabag dito kaya’t hinikayat din ng LGU na isumbong sa PNP at POSO Burgos ang mga lalabag sa batas sa bayan upang ito ay mabigyan din ng karampatang aksyon. |ifmnews
Facebook Comments