IBA’T IBANG TALENTO SA SINING, BIDA SA CHRISTMAS PARK SA SAN NICOLAS

Bida ang iba’t ibang talento sa sining sa pagdagsa ng mga pamilya at kabataan sa “Christmas in the Park” sa San Nicolas, isang pampaskong selebrasyon na nagtatampok ng makukulay na ilaw, musika, at masayang aktibidad.

Sa Art Beat showcase, ipinamalas ng mga kabataan ang kanilang husay sa chalk art, busking performances, at cosplay showdown.

Sa chalk art zone, tampok ang makukulay at malikhaing obra na sumasalamin sa pag-asa at pananabik sa Pasko.

Nagtagisan naman ng galing ang mga kalahok sa cosplay competition sa pagbibigay-buhay sa mga karakter mula sa anime, pelikula, at iba pang kwentong kinagigiliwan.

Dagdag-sigla rin sa gabi ang busking performances na naghatid ng musika at saya sa parke.

Nagbibigay ang taunang pagtitipon ng pagkakataon para sa komunidad na magtipon-tipon at masilayan ang pagsasanib ng sining at tradisyon sa pagdiriwang ng Pasko sa San Nicolas.

Facebook Comments