Patuloy ang pag-iikot ng iba’t ibang teams ng pamahalaang lungsod ng Taguig sa iba’t ibang barangay para magsagawa ng assessment.
Maaga ring nag-ikot ang mga miyembro ng Local Utility Office (LUO) at City Environment and Natural Resources Office (CENRO) para sa clearing operations sa mga nakaharang na puno o kawad ng kuryente sa daan.
Patuloy ring pinapaalalahanan ang mga residente ng Taguig na manatili sa kanilang mga tahanan upang maiwasan ang posibleng aksidente na maaaring dulot ng pagtaas ng tubig o ‘di naman kaya ng mga nakaharang na puno o kawad ng kuryente sa daan.
Nagsagawa rin ang Lake and River Management Office (LRMO) at Facility Management Office (FMO) ng clearing operations sa iba’t ibang lugar sa lungsod gamit ang kanilang mga heavy equipment.