Nagsama-sama ang mga boses ng iba’t ibang lider transportasyon hinggil sa kalabisan ng ipinatutupad na Joint Administrative Order (JAO) no. 2014-01.
Ito ang nagkakaisang hinaing ng mga asosasyon galing sa industriya ng bus, UV express, jeepney matapos silang humarap kay atty Clarence Guinto, head ng LTO-NCR.
Ito’y upang pag- uusapan na maibalik ang mandatory drug testing sa lahat ng mga drayber ng public utility vehicle.
Sa ilalim ng JAO 2014-01, tinaasan ang multa at parusa sa mga paglabag sa batas sa land transportation.
Layunin nito na madisiplina ang mga drivers ng public utility at maiiwasan ang road accidents, maresolba ang traffic at natukoy ang mga unregistered or “colorum”.
Napagkaisahan ng mga transport group na hilingin sa kongreso na ipatigil ang implementasyon ng JAO.
Ayon kay ka Lando Marquez ng Liga ng Transportasyon at mga Operator sa Pilipinas (LTOP), dapat na ibalik na lamang ang orihinal na batas o ang Republic act 4136.
Hindi kasi aniya dumaan sa konsultasyon ang jao dahil nang aprubahan ito ay pinalitaw na sang ayon ang lahat ng transport groups.
Ginamit pa aniyang ang mga pirma nila sa isang attendance meeting para gawing lehitimo ang JAO.
Sinabi naman ni Obet Martin, President pasang masda na isa aniyang legal extortion scheme ang JAO dahil labis-labis ang mga ipinataw na multa sa nirebisang penalties kada traffic violation.
Halimbawa na lamang aniya ang violation sa defective signal light na dating may multang 250 sa ilalim ng noon ay republic act 4136 ay itinaas sa limang libo.
Aniya, masyadong nagiging gatasan ang mga PUV drivers dahil may kaniya-kaniyang patakaran ang ang LGUS, LTO at MMDA gayong ang Republic Act 4136 din ang kanilang basehan sa panghuhuli.
Sinabi naman ni Fejodap Zenaida Maranan na hindi na sila papayag na magpatuloy ang ganitong sobrang panggagantso.