
Suportado ng iba’t ibang transport group ang naging pahayag ni Department of Transportation (DOTR) Secretary Giovanni Lopez tungkol sa pagdaan ng carpooling services sa EDSA Busway.
Kung saan mariin itong tinutulan ni Lopez dahil idinisenyo ang naturang busway para sa mga komyuter upang makapagbigay ng mabilis at uninterrupted service ng mga bus na may 300,000 na pasahero kada araw.
Ayon kay Provincial Bus Operators Association of the Philippines (PBOAP) Executive Director at Spokesperson Engr. Alex Yague na ang tunay na intensyon sa paggawa ng busway ay mawawalan ng saysay kung maraming pribadong sasakyan ang papayagang dumaan sa naturang linya.
Para naman ay ALTODAP President Melencio “Boy” Vargas na ang proposal na ito ay ibabalik lang aniya sa dating sistema na buhol-buhol ang traffic sa EDSA.
Giit naman ni Pasang-Masda National President Ka Obet Martin na kung mas maraming sasakyang ang papayagang dumaan sa EDSA Busway ay mas malaki ang posibilidad na maharangan at maapektuhan ang mas maraming pasahero.
Ang deklarasyon ng mga grupo sa pagsuporta sa pahayag ng Lopez ay sa pamamagitan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).










