Iba’t ibang transport groups, magkakasa ng caravan-protest sa Lunes

Kasado na sa Pebrero 1 ang caravan-protest ng iba’t ibang transport groups na tatawagin nilang “Busina Laban sa Jeepney Phaseout”.

Alas-12:00 ng tanghali, magtitipon ang mga grupo sa Quezon Hall ng UP Diliman at sabay-sabay na magtutungo sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).

Ayon kay Alliance of Concerned Transport Organization (ACTO) National President Efren de Luna, payag naman sila sa jeepney modernization program pero hindi kailangan idikta ng pamahalaan kung anong uri ang pwedeng ipalit.


Sa ilalim kasi ng jeepney modernization program, mapipilitan ang mga tsuper at operator na magpalit ng e-jeepney na nagkakahalagang P1.3 milyon hanggang P2.4 milyon.

Kabilang sa mga magsasagawa ng caravan ay ang UP Transport Group, Alliance of Concerned Transport Organizations, Pinag-isang Samahang Driver Operator Pasig-Pateros-Marikina (PISDOPAMMA), Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operator Nationwide (PISTON), at iba pang grupo tulad ng League of Filipino Students – UP Diliman.

Facebook Comments