Palawan – Nasabat ng mga otoridad ang iba’t-ibang uri ng endangered species sa bayan ng dumaran sa Palawan.
Nakita ang mga endangered species sa isang paupahang bahay sa purok Talisay, Barangay Magsaysay kung saan nagsiksikan sa maliit na mga kahon ang Palawan peacock pheasant, musang, ahas na binturan, Palawan stink badger, otter, white squirrel at brown squirrel.
Isang alias Mike Artosilla ang nangungupahan sa lugar at nag-iipon ng mga nasabing hayop para ibenta pero hindi na ito naabutan ng mga otoridad.
Agad namang itinurn-over sa palawan Wildlife Rescue and Conservation Center ang mga nasabing hayop.
Facebook Comments