Iba’t ibang uri ng food supplies ang nadiskubreng ibinaon sa lupa ng Manila Boystown

Nagsagawa kahapon ng “surprise inspection” sa Boystown na matatagpuan sa Marikina si Incoming Manila Mayor Isko Moreno at tumambad sa kanya ang mga pagkaing gaya ng mga bigas, asukal, kape, noodles, oatmeal at iba pa na nasa hukay.

 

Ayon kay Moreno, hindi pa expired ang mga pagkain at pwede pang mapakinabangan ng mga bata at matatandang nakatira sa Boystown na walang makain.

 

Hinala ni Moreno, may pananabotaheng nangyayari. kapag pormal na siyang naupo bilang alkalde ng Maynila, paiimbestigahan umano niya ito.


 

Pero sinabi ni Atty. Ericson Alcovendaz, ang City Administrator, ang mga bigas na ibinaon sa lupa ay pawang nabasa ng ulan, base na rin sa Manila Department of Social Welfare.

 

Dagdag ni Alcovendaz, “unfit for human consumption” o hindi na uubrang kainin ang mga bigas kaya inilubog na lamang sa lupa, upang maiwasan o aksidenteng mai-saing pa ang mga ito.

 

Ngayong araw ay maglalabas ang Manila City Hall ng pormal na pahayag hinggil sa naturang usapin.

Facebook Comments