Iba’t ibang uri ng sasakyan at motorsiklo, nabawi ng QCPD mula sa nabuwag na rent-tangay

Ipinagmalaki ng Quezon City Police District ang makabuluhang tagumpay nito laban sa carnapping

Kasunod ito ng pagkakarekober ng District Anti-Carnapping Unit ng iba’t ibang nakaw na motor vehicles at motorcycles sa magkakahiwalay na operasyon.

Hinimok ni QCPD Director PBGen. Red Maranan ang sinumang nawawalan o biktima ng sindikato ng rent-tangay at carnapping na magtungo sa kanilang headquarters sa Camp Caringal sa Sikatuna Village, QC.


Ayon kay Maranan, ito ay upang i-identify kung alin sa mga narekober na mga sasakyan at motorsiklo ang kanilang pag-aari.

Kabilang sa mga carnap vehicles na narekober ng District Anti-Carnapping Unit o DACU ng QCPD ang 6 cars, 5 SUV, isang pick-up at 7 iba’t ibang uri ng motorsiklo.

Aniya, nabawi ang mga sasakyan mula limang naaresto sa tatlong sindikato ng rent-tangay at carnapping na kanilang nabuwag sa pina-igting na manhunt operation.

Ang limang individual na kanilang nadakip ang bumibiktima ng mga negosyanteng nagpaparenta sa lungsod.

Kasunod nito, pinayuhan ni Gen. Maranan ang mga nagpaparenta at bumibili ng second hand na sasakyan na busisiing mabuti ang dokumento ng sasakyan at ang nagrerenta o nagbebenta upang hindi mabiktima ng sindikato

Kaagad namang naibalik sa dalawang car owner ang isang Fortuner at isang Toyota van na kabilang sa mga nabawing carnap vehicles.

Facebook Comments