IBAYONG PAG-IINGAT NGAYONG PEAK FLU SEASON, IPINAALALA NG DAGUPAN CITY HEALTH OFFICE

Nagpaalala ang City Health Office (CHO) ng Dagupan City sa publiko na magdoble-ingat ngayong peak flu season, lalo na sa patuloy na malamig na panahon na maaaring magdulot ng pagtaas ng mga kaso ng respiratory infection.

Sa panayam ng IFM Dagupan noong Enero 23, sinabi ng CHO na karaniwang dumarami ang mga nagkakasakit kapag bumababa ang temperatura, kasabay ng patuloy na banta ng superflu na madaling kumalat.

Ibinahagi naman ng ilang residente ng lungsod na mas pinaiigting nila ang pag-iingat sa kalusugan dahil napapansin nilang mas madalas ang pagkakasakit tuwing malamig ang panahon.

Dahil dito, nanawagan ang CHO sa publiko na manatiling alerto at sundin ang mga basic health precautions upang makaiwas sa flu at iba pang karamdaman.

Facebook Comments