Ibibigay na ayuda sa oras na magkaroon ng lockdown sa susunod na taon, hindi kasama sa 2022 national budget

Walang inilaang alokasyon para sa ayuda sa ilalim ng panukalang 2022 national budget.

Ito ay sakaling magpatupad ng mga lockdown ang gobyerno sa susunod na taon.

Sa pagdinig ng Senate Committee on Finance kahapon, sinabi ni Department of Budget and Management (DBM) Officer-in-Charge Undersecretary Tina Rose Marie Canda na walang item na inilaan para sa ayuda.


Ang pondo para sa cash assistance na ibinigay ngayong taon ay kinuha lamang mula sa savings at unprogrammed funds ng gobyerno.

Sa ilalim ng kasalukuyang sistema, hindi pinahihintulutan ang lump sum appropriations dahil posibleng maharap sa korupsiyon ang anumang proyekto at ahensya na makakatanggap ng pondo.

Sa ngayon, mungkahi ni Senador Sonny Angara na isailalim nalang sa contingent fund ang budget para sa cash aid na maaari namang gawin.

Facebook Comments