Ibibigay na bakuna kada rehiyon, ibabase sa bilang ng hindi pa nababakunahan — Galvez

Ibabatay sa bilang ng mga hindi pa nababakunahan ang ibibigay na alokasyong bakuna sa kada rehiyon sa bansa.

Ayon kay Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez Jr., anim na rehiyon ang target ng Inter-Agency Task Force (IATF) na mabigyan ng dagdag na vaccine allocation ngayong Setyembre.

Kinabibilangan ito ng Regions 3, 4A, 6, 7, 10, at 11 na makakasabay ng National Capital Region (NCR).


Sa kasalukuyan, pumalo na sa 84.14% ng target population sa National Capital Region (NCR) ang nakatanggap ng unang dose at 55.55% ang fully vaccinated.

Kabuuang 134.8 million vaccines naman ang inaasahang darating sa bansa hanggang sa katapusan ng taon.

Facebook Comments