IBIBIGAY NA | Draft copy ng Fedaral constitution, isusumite na kay Pangulong Duterte bukas

Manila, Philippines – Isusumite na bukas, July 9 ng Consultative Committee (ConCom) kay Pangulong Rodrigo Duterte ang kopya ng draft ng Federal Constitution.

Ayon kay ConCom Spokesman Ding Generoso – ang pinal na kopya ay ilalabas sa publiko pagkatapos ng pulong nila kay Pangulong Duterte.

Inabot aniya sila ng dalawang araw para i-proof read ang dokumento bago nila inimprenta ito nitong Biyernes.


Paglilinaw din ni Generoso – hindi pa nagtatapos ang kanilang trabaho dahil kailangan nilang gumawa ng kumpletong ulat at pagsamahin ang lahat ng annotations, journals at proceedings.

Magpapatuloy din ang Regional consultation at presentation ng draft constitution.

Facebook Comments