Ibibigay na Special Risk Allowance sa mga healthcare worker, may pagkukunan ng pondo – DBM

Tiwala ang Department of Budget and Management (DBM) na makakahanap sila ng pondo para sa pagbibigay ng na-delay na allowance ng mga healthcare workers.

Kasunod ito ng ibinigay na 10 araw ni Pangulong Rodrigo Duterte upang maiproseso ang lahat ng pondong kakailanganin ng Department of Health (DOH) upang ma-compensate ang lahat ng pangangailangan ng mga medical health care.

Ayon kay Budget Undersecretary Tina Canda, magmumula ang Special Risk Allowance sa Miscellaneous Personnel Benefits Fund ng 2021 National Budget.


Kabilang ang mga vaccinators at iba pang human resources in health (HRH) sa mabibigyan ng benepisyo mula sa contingent funds ng DOH.

Mananatili naman itong subject to approval ni Pangulong Duterte at maipapamahagi lang kung maaaprubahan.

Facebook Comments