IBINABA | Bulkang Mayon, patuloy na kumakalma

Manila, Philippines – Ibinaba ng Philippine Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) sa alert level 2 ang aktibidad ng bulkang Mayon.

Ayon sa PHIVOLCS, patuloy na kumakalma ang bulkan nitong nakalipas na dalawang linggo.

Wala na ring lava na lumalabas mula sa crater nito.


Pero nilinaw ng PHIVOLCS, posibleng itaas muli sa alert level 3 ang sitwasyon kapag lumakas muli ang aktibidad nito.

Pinapayuhan pa rin ang publiko na bawal pa ring pumasok sa six kilometer permanent danger zone.

Facebook Comments