IBINABALA | Pagbaba ng presyo ng krudo, hindi rin maganda para sa ekonomiya ng bansa

Manila, Philippines – Ibinabala ni Committee on Energy Vice Chairman Carlos Roman Uybarreta na hindi rin maganda para sa ekonomiya ng bansa kung bababa pa lalo ang presyo ng crude oil.

Ito ay kasunod na rin ng malaking pagbaba ng crude oil prices ng OPEC na naitala sa $71.09 per barrel nitong June 18 mula sa $77.19 per barrel noong May 22.

Ayon kay Uybarreta, maganda ito para sa bansa dahil maaaring asahan sa mga darating na araw ang sunud-sunod na rollback sa produktong petrolyo.


Umaasa ang kongresista na bababa pa ang presyo ng langis hanggang sa $60 per barrel at manatili ang ganitong halaga sa maraming buwan.

Pero, sinabi ni Uybarreta na hindi rin magiging maganda para sa ekonomiya ng bansa kung masyado nang mababa ang presyo ng krudo dahil maaapektuhan din ang ekonomiya sa Middle East at maaaring bumagsak ang OFW remittances.

Mainam aniya na balanse lamang ang presyo ng krudo dahil malaki din ang naitutulong ng remittances sa pag-angat ng ekonomiya ng bansa.

Facebook Comments